Pumunta na sa main content

Partner Liability Insurance

Proteksyon laban sa mga liability claim mula sa mga guest at kapitbahay na hanggang US$1,000,000 para sa bawat reservation

Paano ako napoprotektahan?

US$1,000,000 coverage

Makatanggap ng proteksyon laban sa mga liability claim mula sa mga third party nang hanggang US$1,000,000para sa bawat reservation.

Primary insurance

Narito ang program para protektahan ka kung magkaroon ng problema, at kami ang unang tutugon sa claim.

Global program

Liability coverage mula sa malalaking insurance company para sa mga property na katulad ng bahay sa buong mundo.

Paano ito gagana?

Automatic enrollment

Naka-enroll ang lahat ng iyong eligible na property na katulad ng bahay sa program, at pagkatapos mako-cover ang mga reservation mo sa Booking.com.

Walang karagdagang charge

Walang karagdagang charge at hindi tataas ang iyong mga commission fee dahil sa program.

Covered ng mga insurer

Makatanggap ng coverage liability insurance coverage mula sa mga global insurance company para maprotektahan ka laban sa ‘di inaasahan.

Ano ang covered sa ilalim ng Partner Liability Insurance?

Pinoprotektahan ka ng program laban sa mga kaso o liability claim ng third party para sa pinsala sa katawan o pagkasira ng property.

Ano ang covered?

Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga insidente na covered kung mangyari ang mga ito sa panahon ng stay ng guest.

  • Pinsala sa katawan (halimbawa: kung mabalian ng braso ang guest dahil sa pagkakadulas sa shower, at pinapanagot ka nila.)
  • Pagkasira ng property ng third party (halimbawa: kung aksidenteng naiwang bukas ang gripo ng iyong guest at nagdulot ng pagkasira sa apartment ng kapitbahay mo sa ibaba)

Ano ang hindi covered?

Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga insidente na hindi covered kung mangyari ang mga ito sa panahon ng stay ng guest.

  • Pagkasira at/o pinsala na dulot ng mga alagang hayop (halimbawa: makagat ng aso ng iyong guest ang isang kapitbahay)
  • Personal na masaktan (halimbawa: nabali ang braso mo dahil natisod ka sa isang bahagi ng property)
  • Pagkasira o pinsala mula sa isang bagay na sinadyang ginawa (hindi aksidente)
  • Personal mong property (halimbawa: nasira ng guest ang iyong TV o mesa)

Maaaring mag-apply ang mga standard na condition at exclusion.Basahin ang Policy Summary

Frequently asked questions

Ano ang Partner Liability Insurance?

Ang Partner Liability Insurance ay isang program na pumoprotekta sa ‘yo laban sa mga kaso o liability claim mula sa third party para sa pinsala sa katawan o pagkasira ng property na natamo sa panahon ng dates ng reservation, na ginawa sa Booking.com. Halimbawa, kung madulas ang iyong guest sa banyo at mabali ang kanilang binti sa kanilang stay, maaaring eligible ang aksidenteng ito para sa claim.

Paano gagana ang program?

Binibigyan ng Partner Liability Insurance Program ang mga partner ng Booking.com (ang parehong mga may-ari at property manager) ng US$1,000,000 na pangunahing liability coverage para sa lahat ng stay na na-book sa aming platform nang walang karagdagang gastos para sa ‘yo. Ibig sabihin nito, kung wala kang liability policy, ang policy na ito ang unang tutugon kung may gumawa ng claim laban sa ‘yo. Kung mayroon ka nang liability policy para sa iyong property, ituring ito na karagdagang coverage sa kung ano ang mayroon ka. Naga-apply ang policy na ito sa lahat ng stayed night na na-book gamit ang Booking.com na nangyari sa o pagkatapos ng Oktubre 1, 2023. Hanggang nanatili kang kasama sa coverage sa panahon ng stay dates, walang kinalaman ang oras kung kailan nagawa ang booking.

Covered ba ang property ko?

Available ang Partner Liability Insurance sa bawat stay na na-book gamit ang Booking.com para sa mga property na parang bahay sa karamihan ng mga lokasyon kung saan nago-operate ang Booking.com. Tingnan ang Policy Summary (Appendix A) para sa listahan ng lahat ng bansang covered ng Partner Liability Insurance Program. Nananatiling may karapatan ang Zurich Insurance Company Ltd na bawiin ang coverage at bayad-pinsala, na nakadepende sa regulatory requirements, tulad ng mga pagbabago at update sa mga na-sanction na teritoryo.

Ibinibigay ba ng Booking.com ang coverage/policy?

Hindi, ‘di insurer ang Booking.com. Nakipag-partner kami sa Zurich Insurance Company Ltd, na malaking global insurance company, para magbigay sa ‘yo ng liability insurance solution para maprotektahan ka laban sa ‘di inaasahan.

Covered ba ng Partner Liability Insurance ang partner o ang guest?

Ang partner ang beneficiary ng Partner Liability Insurance Policy. Nako-cover nito ang mga partner laban sa mga liability claim ng third party. Tandaang hindi nito covered ang mga sariling liability ng partner tulad ng mga personal mong pinsala sa katawan (halimbawa: nabali mo ang iyong braso dahil sa pagkakatisod sa isang bahagi ng property) o pagkasira na maaaring naidulot ng may-ari ng property o management company, o ng mga empleyado o agent sa kanilang ngalan.

Paano kung mayroon na akong homeowners policy?

Maaaring hindi covered ng iyong existing na homeowners policy ang mga aksidente sa panahon ng rental period. Wala sa amin o ng Zurich Insurance Company Ltd ang puwedeng magpayo sa ‘yo sa kaangkupan o coverage na ibibigay sa ‘yo ng iyong homeowners policy. Hinihiling namin sa ‘yo na tingnan ang iyong existing policy at kontakin ang iyong policy provider ng homeowner insurance para sa confirmation kung covered ba o hindi ang rental ng iyong property. Kung hindi mo kailangan ang property liability insurance na ibinibigay ng Zurich Insurance Company Ltd, puwede kang umalis sa program.

Paano ako gagawa ng claim?

Aasikasuhin ng itinalagang claims administrator ang lahat ng claim. Kung mayroon kang claim, i-report ito sa lalong madaling panahon — tandaan na hindi inaayos ng Booking.com ang mga claim.

  1. Kolektahin ang maraming impormasyon na posible tungkol sa insidente at/o mga napinsalang third party na puwedeng ibigay sa claims advisor
  2. Gamitin ang button sa ibaba na “Gumawa ng claim” para simulan ang iyong claim at piliin ang nakakonektang reservation
  3. Ibigay sa claims administrator ang kumpletong detalye ng insidente, nauugnay na dokumentasyon, at mga pangalan ng partidong nagtamo ng pinsala o humihingi ng damage claim
  4. Kukumpirmahin ng itinalagang claims administrator ang ipinasa mo sa loob ng 48 oras
Gumawa ng claim